Pari na nagbigay ng Homily sa mismong kasal ng kanyang ex-girlfriend, viral sa social media!

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang Pari na nagbigay ng Homily sa mismong kasal ng kanyang ex-girlfriend.

Credit: Fr. Roniel El Haciendero YouTube

Viral ang naging vlog ni Fr. Roniel El Haciendero ng Lipa City, Batangas kung saan ipinasilip niya ang kaganapan sa araw ng kasal ng kanyang ex-girlfriend na si Korina sa groom nitong si Manuel.

Bago magsimula ang kasal ni Korina, kinumusta muna siya ni Fr. Roniel at dito na nga inamin ni Korina na kinakabahan siya sa mga sasabihin ni Fr. Roniel sa kanyang kasal.

Credit: Fr. Roniel El Haciendero YouTube

“Kinakabahan ako sa homily mo, baka ilaglag mo ‘ko! Jusko! Wag mo akong ilalaglag,” saad ni Korina.

Tinanong naman ni Fr. Roniel kung sigurado na ba si Korina sa kanyang desisyon na magpakasal na siyang sinagot naman nito ng, “Oo naman!”

Dito na pabirong tinanong ni Fr. Roniel si Korina kung ano umanong meron kay Manuel na wala siya.
Sinabihan naman ni Korina si Fr. Roniel na umayos dahil present sa kanyang kasal ang mga kamag-anak ni Manuel.

Ngunit hindi pa rin tumigil si Fr. Roniel sa panunukso kay Korina at sinabi pa niya rito, “Ganu’n nga talaga dati pinagtabuyan mo rin ako. ‘Yun ang tunay na nangyari, ako’y pinagtabuyan mo.”

Credit: Fr. Roniel El Haciendero YouTube

Gayunpaman, noong oras na magbibigay ng kanyang homily si Fr. Roniel ay nilinaw niyang kung ano man ang namagitan sa kanila ni Korina noon ay nakaraan na umano ang mga ito.

“Ang dami ko na hong ikinasal, pero ito po ‘yung ako’y nanginginig at pawis na pawis na. Ako’y kinakabahan. Si Korina po ay aking ex,” pag-amin ni Fr. Roniel sa mga bisita.

Dagdag pa niya, “Okay, ‘Itigil ang kasal!’ Hindi ako sisigaw ng ganu’n. Gayunpaman, the past is past…’Yun po’y matagal na at ngayon naman ay may kanya-kanya na kaming buhay. Ako’y pari na at ngayong araw na ito si Korina [ay] ikakasal na.”

Credit: Fr. Roniel El Haciendero YouTube

Bagama’t aminado si Fr. Roniel na kinakabahan siya, hindi naman daw maitago ang kanyang kasiyahan na makita si Korina na ikakasal sa lalaking mahal nito.

Sa huli, hangad nga ni Fr. Roniel ang isang matiwasay at masayang buhay mag-asawa para kina Korina at Manuel.

Credit: Fr. Roniel El Haciendero YouTube

Samantala, hindi maiwasan ng maraming netizens na makaramdam ng magkahalong lungkot at saya sa kwento nina Fr. Roniel at Korina.

Marami ang nalungkot dahil hindi nagkatuluyan ang dalawa. Pero tulad ng sinabi ni Fr. Roniel, lahat tayo ay may kanya-kanyang ‘calling’ sa buhay. Para kay Fr. Roniel, ang tadhana niya ay maging isang pari at maglingkod sa Diyos, habang si Korina naman ay nakatadhana na magpakasal at bumuo ng pamilya kasama ang kanyang asawa.