Pasahero noon, flight attendant na ngayon at katrabaho ang flight attendant na naging inspirasyon niya!

Isang Pinay FL, ang nagbahagi ng adorable na throwback picture noong siya’y dreamer pa lamang at ngayong isa na siyang ganap na cabin crew. Ayon nga sa kanila, libre lamang ang mangarap at upang maabot ito, kinakailangan natin itong sabayan ng determinasyon, sipag at tiyaga dahil sa pamamagitan lamang nito natin makakamtan ang tamis ng buhay.

Credit: Regina Gregorio Facebook

Sa tuwing tayo’y nangangarap, hindi talaga natin naiiwasan na mapatanong na lamang sa ating sarili at pagdudahan ang ating kakayahan pero kung magbabalik-tanaw tayo sa mga bagay na matagumpay nating na-achieve ay pinapalakas nito ang ating loob at hinihikayat tayo na mas bigyan pa ng effort ang lahat ng ating ginagawa katulad na lamang ng storya ng isang Pinay flight attendant sa Cebu Pacific na nagbahagi kung paano nagsimula ang lahat sa isang simpleng pangarap.

Matatandaan kumakailan lamang nang nag-viral ang ibinahaging larawan ni Regina Gregorio sa Facebook kung saan ay makikita ang dati niyang larawan kasama ang isang cabin crew na si Zai Nucup at ang recent nilang photo nang magkasama habang ginagaya ang unang larawan noong isa pa lamang pasahero si Gregorio.

Credit: Regina Gregorio Facebook

“from being one of her passenger boarded in her flight to kalipad,” sulat ni Regina Gregorio sa kanyang caption.

Pagkukuwento pa ni Gregorio, isa umano si Zai Nucup sa kanyang dahilan at isa sa mga taong labis na nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang tahakin ang daan tungo sa pagiging isang ganap na flight attendant kaya isa umanong malaking karangalan para sa kanya nang nalaman niyang magiging co-cabin crew silang dalawa.

Credit: Regina Gregorio Facebook

“The first picture shown is one of the mainly reason why I dreamt about being a Cabin Crew. It inspires me to pursue my dream and tada after so many years who would have thought that, once again our path has crossed and we now fly together both as a Cabin Crew ,” saad ni Gregorio.

Credit: Regina Gregorio Facebook

Kung noon ay isa lamang pasahero at tila’y wala pang kahit anong ideya kung ano nga ba ang gusto niya maging, mukhang naging daan naman ni Regina Gregorio ang encounter niya kay Zai Nucup na noo’y inspirasyon lamang niya at ngayon ay isa na niyang co-cabin crew!