Philippine Air Force, pinakilala na ang una nilang babaeng jet f!ghter pilot!

Deserve! Matapos ang ilang taon na pagte-training, proud na inanunsyo ng Philippine Air Force na may babaeng jet fighter pilot na ang hukbo! Sino siya? Kilalanin!

Credit: Philippine Air Force Facebook

Maaaring bago sa inyong pagtingin at pandinig ang pagkakaroon ng babaeng piloto dahil tila’y naka-register na sa utak ng karamihan na tanging mga lalaki lamang ang may kakayahan sa pagiging sundalo, pakikigbakbakan, at pagpapalipad ng isang eroplano pero muli na namang pinatunayan ng isang babae na miyembro ngayon ng hukbong himpapawid ng Pilipinas na may kakayahan din ang mga kababaihan sa nasabing mga larangan.

Huwebes, Marso 31 ngayong taon nang inanunsyo ng Philippine Air Force ang kauna-unahang babaeng piloto kaya naman marami sa ating mga kababayan ang proud sa achievement na ito ni First Lieutenant Jul Laiza Mae Camposano-Beran na galing sa Tulunan, Cotabato.

Nakatapos ng training para maging milatary pilot si Camposano-Beran noong taong 2017 sa Philippine Air Force Flying School at grumaduate bilang isa sa Sinaglahi Class noong 2015. Siya rin ang ikalimang babaeng recipient sa Athletic Saber Award, isang parangal para sa mahusay na abilidad ng mga kadete.

Official na inanunsyo ni PAF Spokesperson na si Col. Maynard Mariano na si 1L Jul Laiza Mae Camposano-Beran ang bagong miyembro at ang kauna-unahang babae na napasali sa elite na jet fighters.

Credit: Philippine Air Force Facebook

“The PAF made history (by) having its own, first-ever female fighter pilot on March 30, 2022 from the 5th Fighter Wing at Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga,” anunsyo ni Col. Maynard Mariano.

Ayon pa sa PAF Spokesperon, gamit umano ni Camposano-Beran ngayon ang SIAI-Marchetti AS-211 na siyang ginagamit kapag may surveillance mission o sa pag-atake. Dagdag pa ni Col. Maynard Mariano, “1st Lt. Jul Laiza Mae B. Camposano-Beran was checked out as the first female AS-211 combat mission ready pilot and wingman.”

Sa likod ng kanyang tagumpay, hindi naman naging madali ang lahat ng pinagdaanan ni Camposano-Beran lalo na’t sobrang hirap ng bawat trainings sa military ngunit sa huli, nagawa pa rin niyang abutin ang pangarap at ngayon ay siya nga ang kauna-unahang jet fighter sa PAF.