Pinay OFW, nakatanggap ng isang box na puno ng pera mula sa amo na isang sikat na YouTube vlogger

Isang Overseas Filipino Worker o OFW na naman ang hinangaan ng kanyang banyagang amo dahil sa kanyang ‘di matatawarang kasipagan at dedikasyon sa pagtatrabaho.

Credit: Supercar Blondie YouTube        

Nitong October 1, ibinahagi ng isang Australian vlogger na naka-base sa Dubai, United Arab Emirates, ang isang video kung saan mapapanood ang inihanda niyang sorpresa para sa kanyang espesyal na empleyado.

Credit: Supercar Blondie YouTube

Kinilala ang naturang Australian vlogger bilang si Alex Hirschi o mas kilala ng lahat dahil sa kanyang car content videos sa YouTube na si ‘Supercar Blondie’. Sa kasalukuyan, ay mayroon ng 25 milyong subscribers sa YouTube si Alex.

Credit: @supercarblondie Instagram

Sa isang nakakaantig na surprise vlog episode, ikwenento ni Alex na susurpresahin niya at ng kanyang team ang isa niyang empleyado na isang Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng pera, sapat para mabayaran ang buong college tuition ng anak nito na nasa Pilipinas.

Credit: Supercar Blondie YouTube

Pagsisimula ni Alex sa vlog, “Look at this, guys, this is an entire college fund for a very special employee of mine.”

Credit: Supercar Blondie YouTube

Ang tinutukoy ni Alex na isang espesyal na empleyado ay si Avelina, isang 50 taong gulang na OFW at dalawa’t kalahating taon nang nagtatrabaho kay Alex.

Credit: Supercar Blondie YouTube

Ayon kay Alex, hanga siya sa sipag at dedikasyon ni Avelina para mapagsilbihan siya at ang buong Supercar Blondie team.

Credit: Supercar Blondie YouTube

Kwento pa ni Alex, si Avelina umano ang gumagawa ng lahat ng gawain para sa kanya at sa buong Supercar Blondie family. Kasama rito ang paggawa ng mga administrative job, paglilinis sa opisina ni Alex, pagluluto at kahit pag-aalaga sa mga aso nito.

Credit: Supercar Blondie YouTube

Ayon pa sa sikat na vlogger, hindi raw niya magagawa ang lahat ng ginagawa niya ngayon kung hindi dahil sa tulong ni Avelina. Kaya naman sobra ang pasasalamat niya rito.

Sa vlog, mapapanood si Avelina na ini-interview ng isang lalaki, walang kamalay-malay na sa araw din na iyon ay makakatanggap siya ng isang regalo na labis na makakatulong sa kanyang naiwang pamilya sa Pilipinas.

Credit: Supercar Blondie YouTube

Sa kalagitnaan ng ‘interview’ ni Avelina ay dumating si Alex na may bitbit na isang bouquet at isang silver box na naglalaman ng bultong pera.

Bakas naman sa mukha ni Avelina ang gulat at kasiyahan dahil sa surpresa ng kanyang amo.
Pabirong sambit ni Avelina sa camera nang makita ang pera, “I am a millionaire, Sir?”

Credit: Supercar Blondie YouTube

Inakala rin Avelina na papauuwiin na siya ng amo dahil sa perang ibinigay nito. Agad namang tugon ni Alex, “If you leave me, I’m taking this (money) back!”

Dahil dito, napuno ng tawa ang buong kwarto.

Credit: @supercarblondie Instagram

Sa huli saad ni Alex, “We appreciate so much that you’ve had to leave your family behind and work with us in order to earn money and take it back to your family so we just wanted to help you out a little bit.”