Pinay Olympian Skater na si Margielyn Didal, nag-live selling para lumikom ng pera para sa kanyang feeding project para sa mga homeless at street kids

Patuloy na naghahatid ng good vibes ang Pinay Olympian Skater na si Margielyn Didal sa social media.

Matapos kasing makuha ni Margielyn ang puso ng marami dahil sa kanyang kamangha-manghang sportsmanship at positibong pag-uugali sa katatapos lamang na Tokyo Olmypics 2020, muli niyang pinatunayan ang kanyang kabutihan nang ibenta niya online ang kanyang mga preloved item upang makalikom ng pondo para sa mga homeless na tao at mga batang nasa lansangan.

Credit: @margielyndidal Instagram

Kamakailan lamang ay hinimok ni Margielyn ang lahat na manood sa kanyang live selling sa Facebook kung saan ay ibebenta umano niya ang kanyang mga personal item.

Layunin ni Margielyn na lumikom ng pondo para sa kanyang gagawing feeding program para sa mga street kids at homeless.

Credit: @margielyndidal Instagram

Ayon kay Margielyn, “old but fresh” pa ang mga ibebenta niyang damit para lamang makalikom ng pera para sa kanyang proyekto.

Hindi naman nabigo si Margielyn na makalikom ng pondo dahil marami ang walang pag-aalinlangan na nag-‘mine’ sa kanyang mga ibenebentang preloved items.

Talagang mapalad nga naman ang makakakuha sa mga pagmamay-aring damit ni Margielyn. Bukod kasi sa magkakaroon sila ng gamit ng isang Olympic skater, mapupunta rin ang kanilang pera sa makabuluhang programa.

Credit: @margielyndidal Instagram

Samantala, sunod-sunod naman ang biyayang dumarating kay Margielyn matapos ang kanyang matagumpay na pagsabak sa Tokyo Olympics noong Hulyo 2020.

Matatandang bigo mang maiuwi ni Margielyn ang gintong medalya, kahanga-hanga pa rin ang kanyang ipinakitang performance sa palaro.

Kahit 7th place lamang ang narating ni Margielyn sa Olympics, hindi maikakailang number 1 naman siya sa puso ng marami dahil sa kanyang ipinakitang nakaka-good vibes na attitude sa lahat ng kanyang mga katunggali.

Credit: @margielyndidal Instagram

Isa nga sa mga achievement na nakamit ni Margielyn matapos ang kanyang journey sa Tokyo Olympics 2020 ay ang pagkuha sa kanya ng international clothing brand na H&M para maging endorser ng kanilang mga produkto.

Sa kanyang socmed accounts, masayang inanunsyo ni Margielyn ang pakikipag-partner niya sa H&M para sa latest collection nilang “The Skate Drop”.

Credit: @margielyndidal Instagram

“Hyped to share this surprise to all of you! @SkatePilipinas and I worked with H&M for The Skate Drop Selected by Margielyn Didal. Check out graphic tees, pants, to caps and socks to complete your look! Now available in stores, ZALORA and hm.com,” saad ni Margielyn sa kanyang Instagram post.