Pinay tennis prodigy na si Alex Eala, kauna-unahang Pinoy na nanalo sa US Open Juniors!

Kakaiba talaga ang talentong Pinoy, world class! Marami na tayong nasasaksihang kapwa nating mga Pinoy na nangunguna at nananalo sa maraming international na mga competition at sa bawat award, trophy, at medalya na kanilang nasusungkit ay ipinagdidiwang talaga ng sambayanang Pilipino. Kung noon ay madalas na nag-eexcel ang mga Pinoy sa mga patimpalak na nagsho-showcase ng mga talento katulad na lamang ng pagkanta o pagsayaw, ngayon naman ay tila’y sa larangan ng sports sunod-sunod na nagwawagi ang representatives ng Pilipinas dahil nito lamang bago, muli na namang nakabuo ng history sa tennis si Alex Eala!

Credit: US Open Tennis Championships Facebook

Maraming beses na tayong nakakarinig ng mga kuwento tungkol sa talented nating mga kababayan na nananalo ng competitions sa ibang bansa ngunit tila’y hindi pa rin talaga tayo nasasanay sa katotohanang ito dahil hindi lang naman natin napipigilan ang sarili na bumilib at ipagmalaki sila.

Iba-iba talaga ang angking talento ng mga Pinoy. Karamihan sa atin ay mahuhusay sa pagkanta o pagsayaw. Mayroon namang iilan sa atin na excellent sa larangan ng sports at kayang-kaya rin nating makipagtagisan ng talino sa international na mga competition kaya talagang kaliwa’t kanan ang achievements na nahahakot ng Pilipinas sa magkakaibang larangan pero ang makasungkit ng kauna-unahang panalo sa malaking tournament na US Open Junior ay sadyang nakakamangha at labis na nakaka-proud.

Isang taon na ang nakakalipas simula ng pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics sa larangan ng weightlifting ngunit nananatili pa rin itong fresh sa memorya ng karamihan dahil siya lang naman ang kauna-unahang Pilipino nagwagi ng gintong medalya sa prestihiyosong competition at nito lamang bago, muli na namang pinabilib ng Pinay prodigy na si Alex Eala ang lahat dahil sa pagkapanalo niya sa US Open Juniors bilang ang kauna-unahang Pinoy na nagwagi sa nasabing patimpalak.

Credit: US Open Tennis Championships Facebook

Dahil sa kanyang historic na pagkapanalo, aminado si Eala na bagama’t magkahalo ang emosyong nararamdaman niya ngayon ay nangingibabaw umano ang kasiyahan niya sa parangal na naipagmalaki niya ang Pilipinas sa international na competition.

“It’s very overwhelming right now. But I think this is a huge step for me personally as well. I am super happy to represent my country and do something worth for the big platform and being able to inspire other younger people,” pahayag ni Eala sa kanyang post-match presscon.

Credit: US Open Tennis Championships Facebook

Nasa kakaibang level talaga ang talento ng mga Pinoy at sa historic na pagkapanalo ni Eala, muli lang naman niyang pinatunayan na kayang-kaya nating makipagsabayan at magwagi. Congratulations, Alex Eala!