Prank ng isang guro sa Sarangani, nauwi sa emosyonal na iyakan ng kanyang mga estudyante!

Sa bawat pagpunta at pagpasok sa ating eskwela, ang una talaga na sumasalubong sa atin ay ang ating mga guro na itinuturing natin na ating ikalawang mga magulang. Dahil dito, nakakabuo talaga ang mga guro at ang kanilang mga estudyante ng magandang relationship. Dahil sa kanilang araw-araw na bond, natural lamang na ma-attached emotionally ang mga estudyante sa kanilang teachers katulad na lamang ng isang klase sa Maitum, Sarangani na napaiyak na lamang nang may nakakalungkot na balita ang kanilang teacher. Ano kaya ito?

Sa sobrang dami ng gawain sa eskwela, kinakailangan talaga ng mga estudyante na magkaroon ng break pero may brilliant na idea ang isang guro sa Malalag National High School sa Sarangani na si Jethro Bustamante dahil upang mapagaan ang atmosphere, naisip niyang i-prank ang kanyang Grade 9 students.

Sa video na ibinahagi ni Sir Jethro sa Tiktok, mapapanood kung paano niya ibinalita sa kanyang mga estudyante na isa umano siya sa mga guro na matatanggal na labis namang ikinalungkot ng kanyang mga estudyante.

“Malalag National High School has to trim down–magbawas ng teachers so expected na may subject teachers kayo na mawawala. Sadly, kasama ako roon,” anunsyo niya sa kanyang klase na kaagad namang bumuhay sa iba’t-ibang opinyon at sentiments.

Sa malungkot niyang announcement, hindi lamang reklamo sa kanyang pagkakatanggal ang narinig niya dahil iilan sa kanyang mga estudyante ay napaiyak na lamang sa balita ng kanilang guro.

Dahil sa reaksyong nakuha ni Sir Jethro mula sa kanyang mga estudyante, hindi na niya natiis pa ang mga ito at ginulat ang lahat nang ibinunyag niyang prank lamang ang lahat dahilan kung bakit naghiyawan at napatalon ang karamihan sa tuwa.

Ayon sa kanya, sobrang close umano niya sa kanyang mga estudyante kaya naisipan umano niyang i-prank ang mga ito bilang purong katuwaan. Sa ideya niyang bigyan ng twist ang kanilang bakanteng oras, talagang naagaw nila ang atensyon ng netizens. Sa katunayan, featured na nga sila sa iba’t-ibang TV channels ngayon na ayon kay Sir Jethro ay hindi umano niya aakalaing magva-viral.

May mga pagkakataon naman kasi talaga na hindi lamang kailangang pagtuturo ang nagaganap sa loob ng silid-paaralan dahil importante rin na makapag-enjoy ang mga estudyante kaya sa prank na ito ni Sir Jethro Bustamante, matagumpay niyang napasaya ang mga ito.