Sikat na vlogger na si Donnalyn Bartolome, bumili ng mga rescue boat para i-donate sa Marikina at Rizal

Sa pananalasa ng bagy0ng Ulysses sa malaking bahagi ng Luzon, maraming mga residente ang nanawagan ng tulong para sila ay makaalis na sa kanilang bahay na malapit nang lumubog dahil sa mataas na lebel ng tubig baha dulot ng matinding pag-ulan at pag-apaw ng mga dam.

Credit: Donnalyn Bartolome Facebook   

Dahil nga sa dami ng kailangang ma-rescue ay nagkulang na ang mga flotation devices ng lokal na gobyerno kagaya na lamang ng mga rescue boat. Kaya naman nagmagandang loob si singer-vlogger Donnalyn Bartolome na bumili ng mga rescue boat para i-donate sa mga barangay na nangangailangan ng mga ekstrang rescue boat.

Huwebes, November 12, sa kasagsagan ng pananalasa ng bagy0 ay inanunsyo ni Donnalyn sa kanyang Facebook page na nakabili na siya ng mga rescue boat para ipadala sa lungsod ng Marikina at Rizal.

Matatandaang kabilang ang Marikina at Rizal sa mga lungsod na labis na naaapektuhan ng matinding pagbaha.

Credit: Donnalyn Bartolome Facebook

Marami sa mga residente ang nagpo-post na lamang sa kanilang mga social media para humingi ng tulong dahil sa lampas tao na tubig baha sa kanilang lugar.

Ginamit na ng mga residente ang social media dahil sa dami ng mga nangangailangan ng rescue ay busy na ang mga linya ng komunikasyon ng mga rescuer.

Nanawagan din si Donnalyn sa mga residente ng nasabing mga barangay na gustong mag-volunteer para i-rescue ang mga residente.

Sinabi pa ni Donnalyn na kahit magbayad pa siya sa mga volunteer ayos lamang umano basta ang importante ay mayroong volunteer na magre-rescue.

Ani Donnalyn, “MARIKINA and Rizal residents sino ang gusto magvolunteer for rescue? Marunong magsagwan at lumangoy, kahit magbayad ako. I’m buying boats na so let me know asap! Need ng ng help ng barangays dahil lagi na busy ang lines nila. God help those who need you please please.”

Pagkatapos ng kanyang naunang post ay ibinalita naman ni Donnalyn na may nahanap na siyang mga volunteer rescuer at papunta na umano ang mga rescue boat na nabili niya sa Marikina at Rizal.

Credit: Donnalyn Bartolome Facebook

Aniya, “We got big boats in a truck on the way to Rizal and Marikina.”

Sa isa pang follow-up post, pinasalamatan naman ni Donnalyn ang Philippine Coast Guard na nanguna sa pag-rescue sa mga residente.

“Philippine Coast Guard NAKITA KO PO YUNG ACTION NIYO SA MARIKINA I WAS THERE THANK YOU SO MUCH PERO SANA PO SA RIZAL NAMAN PO TAYO. PASENSYA NA PO SA ISTORBO ANDAMI TALAGA LIFE AND D3ATH SITUATION NA PO PLEASE,” caption ni Donnalyn sa kanyang post.

Dagdag ni Donnalyn, “Nagpadeploy na daw ng coastguard from Marikina!!! SEE MYDAY for updates REST YOUR HEARTS!! Madami angels!!”

Credit: Donnalyn Bartolome Facebook

Samantala, bukod kay Donnalyn mayroon pang ibang Pinoy celebrities na tumulong sa pagre-rescue kagaya ni TV actor Jericho Rosales at ang kanyang asawang si Kim Jones.