Tatlong magkakapatid, sabay-sabay na ipagdidiwang ang kanilang kaarawan dahil sa magkakaparehong petsa ng kanilang birthday!

May special na puwang talaga sa ating mga puso ang araw ng ating kaarawan ngunit mas special pa ito para sa magkakapatid na Cabañero sa Laguna dahil sa tuwing sumasapit ang kanilang birthday ay iisa lamang ang kanilang celebration dahil magkakapareho lang naman sila ng buwan at petsa ng kapanganakan.

Credit: Pamn Faye Hazel Cabañero Facebook

Kumakailan lamang nang pinagkaguluhan ng social media ang extraordinary na kuwento ng tatlong magkakapatid sa Laguna dahil kahit magkakaiba man sila ng edad ay pare-pareho lang naman silang isinilang sa January 27!

Sa hindi pangkaraniwan nilang storya, labis talagang naantig ang netizens dahil tunay nga naman kasing pambihira ito para sa magkakapatid pero sa matibay na ebidensyang ipinakita ng kanilang momshie na si Pamn Faye Hazel V. Cabañero ay sobrang na-shocked talaga ang karamihan lalo na’t kitang-kita lang naman sa birth certificate ng kanyang tatlong mga chikiting na magkakapareho ang mga ito ng birthdate!

“Hindi ko inaasahan pero ipinagkaloob! 🥰🙏 Every 3 years dumadating sila at saktong January 27 na ipinapanganak,” sulat ni Momshie Pamn sa kanyang post sa Facebook.

Pagbibiro pa niya, “Yung matres ko ayun lang yata ang kilalang date eh…😂😁😅”

Credit: Pamn Faye Hazel Cabañero Facebook

Maliban sa pagkakapareho nila ng buwan at petsa ng kapanganakan, magkakapareho rin ang mga taong pagitan sa kanilang edad dahil kasalukuyan ngayong 6 taong gulang ang panganay ni Pamn na si Maclean Herz, 3 taong gulang naman si Lady Lemon Faith, at ang kanilang bunsong kapatid na si Macherly Gold na 3 weeks old pa lamang.

Sa kuwentong inilahad ni Pamn kasama ng kanyang asawa na si Herbert Cabañero sa “Bayan Mo, iPatrol mo kay Bayan Patroller” ay sinabi nilang hindi nila kailanman inakalang ipapanganak niya ang bunso sa January 27. Dahil normal ang delivery, wala talagang kaalam-alam ang mag-asawa kung kailan isisilang ni Pamn si baby Macherly Gold pero tila’y malakas si Maclean kay Lord dahil dininig lang naman ang kanyang panalangin na sana’y ka-birthday niya ang magiging kapatid kaya buong-buo talaga ang paniniwala nila na nakatadhana talaga ito para sa kanilang mga chikiting.

Credit: Pamn Faye Hazel Cabañero Facebook

Maliban nito, malaking ginhawa rin ito para sa mag-asawa dahil makakatipid talaga sila ng malaki dahil iisa lang naman ang celebration ng kanilang mga anak sa tuwing sumasapit ang January 27 kaya pasok na pasok talaga ito sa kanilang budget.

Credit: Pamn Faye Hazel Cabañero Facebook

Dahil sa magkakaparehong birthdate ng kanilang tatlong mga chikiting ay binansagan sila ni momshie Pamn bilang “January 27 trio” dahil hindi lamang naman kasi ito nangyari sa panganay at ikalawang anak ng couple kundi ay pati na rin sa kanilang ikatlong chikiting kaya mahirap talagang balewalain ang katotohanang nakatadhana ito at hindi simpleng coincidence lamang.