The Hungry Syrian Wanderer na si Basel Manadil, pinaiyak sa saya ang kasambahay dahil first time magcelebrate ng kaarawan

Maraming puso ang naantig sa ginawang pagsosorpresa ng vlogger na si “The Hungry Syrian Wanderer” o Basel Manadil sa kanyang kasambahay sa kaarawan nito.

Credit: The Hungry Syrian Wanderer YouTube

Sa kanyang YouTube channel, ipinakita ni Basel kung paano niya pinaiyak sa labis na kasiyahan ang kanyang kasambahay na si Annie na aniya, hindi pa umano nakaranas na magdiwang ng kaarawan.

Bago sorpresahin ang kanyang kasambahay, nag-shopping muna si Basel ng mga damit na ireregalo niya rito.

Credit: The Hungry Syrian Wanderer YouTube

Ayon pa kay Basel, “practical” ang mga binili niyang regalo para kay Annie para siguradong magagamit umano nito sa pang-araw-araw.

“So my regalo is more practical guys. I’m giving her something that she’ll be using on daily basis which is underwear,” ani Basel.

Pagkatapos namang mag-shopping ni Basel ay inihanda na niya ang birthday cake ni Annie na nagdiriwang sa araw na iyon ng kanyang ika-51 kaarawan.

Credit: The Hungry Syrian Wanderer YouTube

Nang makita naman ng kasambahay ni Basel ang kanyang sorpresa ay tuluyan na itong napaiyak. Bilang isang taong hindi pa kailanman naranasan ipagdiwang ang kanyang kaarawan, talaga namang nakaka-touch kung bibigyan ka ng isang birthday surprise. Kaya naman naging emosyonal ang kasambahay ni Basel.

Mapapanood din sa vlog ang excitement at tuwa sa mukha ng kasambahay nang isa-isa niyang buksan ang mga regalo sa kanya ni Basel.

Credit: The Hungry Syrian Wanderer YouTube

Ikwenento naman ni Basel na nang malaman niyang nagdiriwang ng kaarawan ang kanyang kasambahay ay kaagad siyang naghanda para sopresahin ito pagkatapos ng kanyang trabaho.

“She’s so shocked mga tao kasi it’s already late. Sabi ko we’re not gonna make it but we’ll still tried our best and we made it so possible. We came even though it’s late and we’re so pagod after work,” ani Basel.

Sa huli ay pinagsaluhan nga nila ang biniling pizza at cake ni Basel. Maluha-luha namang nagpasalamat ang kasambahay kay Basel sa huling bahagi ng vlog.

Credit: The Hungry Syrian Wanderer YouTube

“Sobrang saya and sobrang busog. First time. At maraming regalo. Thank you very much,” saad nito.

Samantala, sa isang comment ay sinabi ni Basel na maging siya ay hindi napigilang maging emosyonal nang makita niya ang kasiyahan sa mukha ng kanyang kasambahay matapos niya itong sorpresahin.

Credit: The Hungry Syrian Wanderer YouTube

Ayon pa kay Basel, wala nang mas sasaya pa kaysa sa makita ang kanyang kasambahay na masaya sa kaarawan nito.

Credit: The Hungry Syrian Wanderer YouTube

“She cried of happiness. As she never even experienced having a Birthday Party before. I felt so blessed today. I’m happier than ever,” pahayag ni Basel.