Tignan ang ibinigay kay Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz na 2-bedroom fully-furnished condo unit na nagkakahalaga ng P14M!

Isa-isa nang natatanggap ng Pinay Olympian na si Hidilyn Diaz ang mga insentibo na ipinangako sa kanya ng malalaking pribadong korporasyon dito sa bansa.

Credit: @officialmegaworldcorp Facebook

Matatandaang nitong August 6, nakuha ni Hidilyn ang kanyang bagong sasakyan na handog ng Ayala Corporation at Kia Philipppines sa kanya bilang “gift of gratitude” sa pag-uwi niya ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.

At noon lamang Lunes, August 9, masaya namang tinanggap ni Hidilyn mula sa real-estate company na Megaworld Corporation ang isang two-bedroom condominium unit sa One Eastwood Avenue.

Tinatayang nagkakahalaga ng 14 milyong piso ang nasabing condominium unit. Ready na rin itong tirhan ni Hidilyn lalo na’t fully-furnished o kumpleto na sa gamit ang condominium unit.

Credit: @officialmegaworldcorp Facebook

“All that Hidilyn and her family need to do is just bring their clothes and other personal effects, and they are good to stay in the unit,” pahayag ng Executive Vice President ng Megaworld Corporation na si Kevin Tan, anak ng Chinese-Filipino business tycoon na si Andrew Tan.

Ayon naman kay Andrew, nararapat lamang kay Hidilyn ang natatanggap niyang mga gantimpala dahil sa pagbandera niya sa bansa sa katatapos lamang na Tokyo Olympics.

Credit: @officialmegaworldcorp Facebook

“We are excited to welcome her and her family and loved ones to Eastwood City, particularly in this newest residential condominium tower in our first-ever township. She has brought so much pride to our country and she deserves all these rewards for her hard work in raising our flag so high in the Tokyo Olympics,” ani Kevin sa isang pahayag.

Credit: @officialmegaworldcorp Facebook

Samantala, nagpagawa rin ang nasabing korporasyon ng isang charcoal painting ni Hidilyn mula sa isang fine arts student.

Ayon naman sa estudyanteng gumawa ng charcoal painting ni Hidilyn na si John Ken Gomez, hangad niyang sa tuwing makikita ng Pinay weighlifting champion ang kanyang painting ay maaalala nito ang karangalan na ibinigay nito sa mga Pilipino at sa bansa.

Credit: @officialmegaworldcorp Facebook

“The story of Hidilyn’s victory is a great source of inspiration for Filipinos. I hope every time she looks at that artwork, she will be reminded that she is a symbol of hope and pride for all of us,” saad ni John Ken.

Noong July 26, gumawa ng kasaysayan si Hidilyn bilang kauna-unahang atletang Pinoy na nanalo ng gintong medalya sa Olympics pagkatapos niyang magwagi sa women’s 55kg weightlifting division.