Tingnan ang ‘tiny house’ na ito na mas maliit pa sa isang karaniwang kwarto ngunit kumpleto sa gamit at pasilidad!

Marami ang natutuwa sa isang napakaliit na two-story na bahay na makikita sa Baguio City. Sa laki kasi nitong 5.5. sqm ay hindi mo aakalain na kumpleto ito sa mga kwarto at gamit at fully functional pa!

Credit: Ronald Carlton Papa Tan Facebook

Viral sa social media ang ginawang tiny house ng madiskarteng ama na si Tonton Papa Tan na kasing laki lamang ng isang tipikal na kwarto. Kaya naman nagmistula itong miniature lamang ng isang tunay na bahay dahil sa liit nito. Aliw na aliw naman ang marami na makita ito dahil ‘complete’ at isa itong ‘liveable house’.

Credit: Ronald Carlton Papa Tan Facebook

Talagang hindi dapat ismolin ng marami ang tiny house na ginawa ni Tonton dahil kahit napakaliit nito ay kumpleto naman ito sa pasilidad at mayroon pa itong sala, kusina, dining area at CR. Kaya rin nitong mag-accommodate ng siyam katao, lima sa baba at apat sa itaas.

Sa panayam naman ng State of the Nation kay Tonton, ibinahagi niya kung saan niya nakuha ang ideya na gumawa ng isang maliit na bahay.

Credit: Ronald Carlton Papa Tan Facebook

Kwento niya, isa sa kanyang mga naging inspirasyon ay ang konsepto ng tiny house living o downsizing. Para sa mga hindi nakakaalam, ang tiny house living ay isang kilusan kung saan niyayakap ng isang tao ang simpleng pamumuhay sa pamamagitan ng pagdo-downsize ng kanyang tinitirhan at mga kagamitan. At kung iisipin, swak na swak bilang solusyon ang tiny houses para sa mga taong walang budget para magpatayo ng isang malaking bahay.

Credit: Ronald Carlton Papa Tan Facebook

Ginawa rin ni Tontin ang nasabing tiny house na pinangalanan niyang “The Tank House” para sa kanyang mga anak para may pagkatuwaan ang mga ito ngayong panahon ng [email protected]

“Naisip ko ‘yung mga bata hindi makalabas, minsan nalulungkot na sila sa bahay, so naisip ko dapat gumawa ko ng project na ikatutuwa ng bata, ng pamilya,” sabi pa ni Tonton.

Hindi naman halos maisip ni Tonton na sa halagang 200,000 piso ay nakapagpatayo siya ng isang dalawang palapag na bahay kung saan kasya silang magpamilya.

Sa huli, masaya si Tonton dahil sa pamamagitan ng kanyang tiny house project ay nakapaghatid siya ng pag-asa sa marami lalo na para sa mga nangangarap na magkaroon ng kanilang sariling bahay ngunit kapos sa budget.

Credit: Ronald Carlton Papa Tan Facebook

Pahayag niya, “Na-feel ko na, hindi lang ako pati ‘yung ibang mga tao sa paligid naging hopeful, na puwede pala, kahit maliit ang budget at kahit may [email protected] kaya nating magkaroon ng bahay na ikatutuwa natin at functional siya.”

Credit: Ronald Carlton Papa Tan Facebook

Samantala, binuksan ni Tonton ang “The Tank House” sa publiko para sa mga gustong maranasan na tumira sa isang pagkaliit-liit na bahay.