Viral na binatang naglalako ng ice candy, hinangaan dahil sa galing magsalita na may british accent

Walang halong mahika kundi ay angking talento lamang. Ito ang pinatunayan ng binata mula sa Maasin, Leyte na ipinamalas lang naman ang kanyang on point na British accent sa paglalako at pagbebenta ng ice candy!

Credit: Glynis Mark Facebook

Hindi na lamang sa skwela o sa mga libro tayo nakakakuha ng kaalaman dahil malaki rin ang impluwensiyang dulot ng mga pelikula lalong-lalo na sa improvement sa pagsasalita natin ng wikang Ingles katulad na lamang ni Jomar Villomar na kahit pansamantala man na tumigil sa pag-aaral, ginulat at pinabilib naman niya ang netizens sa kanyang British accent.

Kung para kay Jomar ay simpleng epekto lamang ito ng kanyang panonood ng Harry Potter, “big deal” naman ito para sa karamihan dahil para sa isang binatang tulad niya na kasalukuyang hindi pumapasok sa paaralan dahil sa matinding kahirapan, bibihira ang pagiging dalubhasa niya sa pagsasalita ng Ingles na may British accent kaya hindi talaga kataka-taka kung bakit viral siya ngayon sa social media.

Credit: Glynis Mark Facebook

Sa paglalako ni Jomar ng ice candy isang araw, natiyempuhan niya ang Grade 2 teacher na si Glynis Mark na siyang naging daan upang makilala ang binata. Sa video na ibinahagi ni Sir Glynis sa social media, masasaksihan ang dekalibreng pagsasalita ni Jomar ng Ingles na may British accent habang binebentahan ang guro ng ice candy na nagkakahalaga ng limang peso bawat isa na available sa dalawang flavors: cheese at mango.

“By the way, Sir, I got a product in here, and I’m just hoping you’re gonna like this so I’m gonna sell these to you,” sabi ni Jomar sa perfect na British accent.

Nabanggit din ni Jomar na kasalukuyan siyang huminto sa pag-aaral dahil sa kagustuhang makatulong financially sa kanyang pamilya pero gayumpaman, hindi naman siya nawawalan ng pag-asa na sa pamamagitan ng pagtitinda at paglalako niya ng ice candy ay makakaipon siya ng sapat upang makabalik sa skwela.

Credit: Glynis Mark Facebook

Tunay nga na malaking impluwensiya ang panonood ng “Harry Potter” dahil maliban sa wizardry at iba pang interesting na spells, napakaganda rin pakinggan sa tenga ang British accent na maririnig mo mismo sa binatang si Jomar Villomar.