Vlogger at dancer na si Ranz Kyle, naghanda ng espesyal na pagsalubong para sa girlfriend na galing sa ibang bansa

Isa naman palang romantiko si Ranz Kyle!

Kilala si Ranz Kyle bilang isang sikat na vlogger at dancer. Isa lamang siya sa mga sikat na influencer sa social media na talagang hinahangaan ng marami dahil sa kanyang kahusayan pagdating sa pagsasayaw.

Credit: Ranz Kyle YouTube

Maliban nito ay kilala rin siya sa tandem nila ng kapatid na si Niana. Sa kanilang YouTube channel ay sabay nilang pinapahanga ang kanilang mga fans sa pamamagitan ng mga dance covers nila.

Bukod sa talento sa pagsasayaw ay kapansin-pansin din ang kagwapuhang taglay ng 24 taong gulang na si Ranz Kyle. Sa kombinasyong ito ay maipapaliwanag kung bakit ganoon na lamang kalakas ang kanyang karisma.

Credit: Ranz Kyle YouTube

Bagama’t marami mang babae ang patuloy na nagkakagusto sa binata ay may nagmamay-ari na pala sa puso ni Ranz Kyle at ito ay si Milissa Grande, isang Filipina model at beauty queen.

Tubong Tarlac si Milissa ngunit lumaki at kasalukuyang naninirahan sa Canada. Malayo man sa isa’t-isa ay nananatili namang strong ang kanilang relationship.

Credit: Ranz Kyle YouTube

Agosto 5 ngayong taon nang nagbahagi si Ranz Kyle ng isang vlog sa Youtube at Facebook na pinamagatan niyang, “After Waiting For So Long, She’s Finally Back!”

Sinalubong ni Ranz Kyle ang pagdating ng girlfriend sa airport habang may dalang poster na may nakasulat na, “WELCOME BACK! I’ve waited 140 days for this, Miss Canada”.

Credit: Ranz Kyle YouTube

Makikita naman sa ekspresyon ng vlogger ang labis na nararamdamang excitement sa katotohanang babalik na ulit sa Pilipinas ang girlfriend.

“Today is the day where Milissa comes back to the Philippines,” sabi ni Ranz Kyle sa unang bahagi ng vlog.

Credit: Ranz Kyle YouTube

Sa restriksyong ipinatupad sa pag-iingat ng C0vid-19 ay hindi nila nagawang makalapit sa isa’t-isa kaya ipinadala ni Ranz Kyle sa silid ng hotel room na pamamalagian ni Milissa ang hinandang bouquet.

Nang matapos ang quarantine ni Milissa ay malaki ang paghahanda ni Ranz Kyle sa “dance surprise” para sa girlfriend.

Credit: Ranz Kyle YouTube

Sa tulong ng pamilya ni Ranz Kyle ay nagmistulang cafe ang loob ng kanilang bahay na kung tawagin nila na “Milissa’s cafe”.

Nang dumating ay mainit na sinalubong ng pamilya ni Ranz Kyle si Millissa. Masasabi naman na sobrang close ni Milissa sa pamilya ng kanyang boyfriend.

Credit: Ranz Kyle YouTube

Ang hindi naman inaasahan ni Milissa ay mayroon pa palang ibang pasabog si Ranz Kyle para sa kanya. Sinurpresa ni Ranz Kyle ang girlfriend ng isang swabeng sayaw sa tulong ng dalawang back-up dancers.

Hindi naman maitago ni Milissa ang kilig na naramdaman at sa huli ay mahigpit na napayakap kay Ranz Kyle.

Credit: Ranz Kyle YouTube

“Welcome back,” sabi ni Ranz na sinagot naman ng “Thank you” ni Milissa.

Credit: Ranz Kyle YouTube

Hindi talaga maitago sa mga mata nina Ranz Kyle at Milissa ang pagkasabik sa isa’t isa.