Walong magkakapatid, matagumpay na napagtapos sa kolehiyo ng isang mag-asawang magsasaka!

Edukasyon ang isang bagay na maipapamana ng isang magulang sa kanyang mga anak na hinding-hindi kailanman mananakaw sa kanila.

Credit: Joy Cataraja-Albite Facebook

Kaya naman doble kayod ang mga magigiting nating mga magulang para lamang mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak.

Credit: Joy Cataraja-Albite Facebook

Tunay na hindi biro ang makapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo lalo na sa hirap ng buhay ngayon ngunit nagawa ito ng isang mag-asawang magsasaka.

Inspirasyon para sa marami ngayon ang kwento ng pagsisikap ng isang mag-asawa mula sa bayan ng San Remigio sa Cebu na sina Diosdado at Libelita Cataraja na iginapang ang pag-aaral ng kanilang walong anak sa pamamagitan ng pagsasaka.

Credit: Joy Cataraja-Albite Facebook

Marami ang naantig sa pagpupursige nina Tatay Diosdado at Nanay Libelita para mairaos ang pag-aaral ng kanilang walong anak na ngayon ay pawang mga professional na.

Ikwenento ng panganay na anak na si Jovy Cataraja-Libelite kung paano iginapang ng kanilang mga magulang ang pag-aaral nilang magkakapatid.

Credit: Joy Cataraja-Albite Facebook

Labis-labis ang pasasalamat ni Jovy sa kanilang mga magulang dahil gaano man kahirap ang kanilang sitwasyon at pinagdaan sa buhay nanatili umanong matatag ang mga ito para lamang maitaguyod ang kanilang pag-aaral.

“Thank you for believing in us and for not giving up on our dreams. I saw how hard life has been for us specially during my college days,” paglalahad ni Jovy.

Credit: Joy Cataraja-Albite Facebook

Utang din umano ni Jovy sa kanilang mga magulang ang kanyang tagumpay dahil sa mga panahon na gusto na niyang sumuko ay tinulungan siya ng mga ito para ipagpatuloy ang kanyang nasimulan.

Credit: Joy Cataraja-Albite Facebook

“There were times when I wanted to give up but I know what I want in life and that I wanted to help my siblings too. Being the eldest of the family is not easy and standing as the second mom of my siblings is even the hardest but I tried. Thank you for pushing me those times when I wanted to give up,” pahayag ni Jovy.

Credit: Joy Cataraja-Albite Facebook

Bukod sa kanilang pagsisikap, masasabi ni Jovy na naging kasangga nila ang Panginoon sa pag-abot nilang magpamilya sa kanilang mga pangarap.

Kaya naman payo ni Jovy sa lahat, “Pray, work, believe and it will be given unto you.”

Credit: Joy Cataraja-Albite Facebook

Sa huli, buong ipinagmamalaking sinabi ni Jovy na dahil sa pagsisikap ng kanilang mga magulang na magsasaka kaya nagawa nilang magkakapatid na makapagtapos ng pag-aaral.

Hangad din ni Jovy na maging isang inspirasyon para sa lahat ang kanilang kwento para hindi sumuko sa pag-abot ng kanilang mga pangarap sa buhay.