Xian Gaza, pinuri ng maraming netizens matapos tulungan ang isang pamilya na na-tr@p sa kanilang bahay dahil sa bagy0ng Ulysses

Maraming netizens ang nagpaabot ng tulong sa mga kababayan nating na-stranded sa kani-kanilang bahay dahil sa lampas tao na baha dulot ng bagy0ng Ulysses sa pamamagitan ng pagpo-post sa kanilang mga social media account.

Credit: Christian Albert Gaza Facebook

Isa na nga rito ang kontrobersyal na negosyante na si Christian Albert Gaza o mas kilala bilang Xian Gaza na dati nang nakul0ng dahil sa investment sc@m na kanyang kinasangkutan.

Tinulungan ni Xian ang isang pamilya na na-tr@p sa kanilang bahay sa Sta. Cecilia Maly sa lungsod ng San Mateo, Rizal. Nagawang makipag-komunikasyon ng nasabing pamilya kay Xian sa pamamagitan ng pagko-komento sa Facebook post ni Xian.

Credit: Christian Albert Gaza Facebook

Makikita sa mga Facebook post ni Xian ang mga screenshot ng pagpapalitan nila ng mensahe sa pamamagitan ng Facebook Messenger App. Base sa kanyang Facebook account, kinilala bilang si Efer (Jennifer) Deterala Fabila Doncillo ang netizen na humingi ng tulong kay Xian.

Credit: Christian Albert Gaza Facebook

Ayon pa sa kwento ni Jennifer, kailangan na umano nila ng magre-r3scue sa kanila dahil umano na-tr@p sila sa kanilang bahay at may mga bata silang kasama.

Makikita rin sa mga larawan na sinend ni Jennifer kay Xian na malapit nang maabot ng baha ang ikalawang palapag ng kanilang bahay kung saan nananatili ang mga bata.

Nagbigay din si Xian ng ilang mga tip sa pamilya ni Jennifer para kahit papaano ay manatili silang ligtas habang wala pa ang mga rescuer.

Agad-agad naman na nag-post si Xian sa kanyang Facebook account at tinawag ang pansin ng mga rescuer ng San Mateo, Rizal.

Nag-send din si Xian ng pera kay Jennifer para may pambili ang mga ito ng pagkain dahil gutom na umano ang mga kasama nilang bata.

Sa tulong din ng ilan pang netizens ay nakaabot sa tanggapan ng mga rescuer ng San Mateo ang dulog ni Xian at tuluyan nang na-r3scue ang pamilya ni Jennifer kasama ang mga bata.

Credit: Christian Albert Gaza Facebook

Umani naman ng papuri ang ginawang pagkukusa ni Xian para matulungan ang pamilya ng nasabing netizen. Komento ng netizens:

“Xian cares. God bless you! Ikaw yong scammer na biniblessed pa rin dahil may mabuting puso”

Credit: Christian Albert Gaza Facebook

“Kahit nasa malayo nakakatulong padin”

“Sana marami pa pong kagaya nyo na makatulong sa mga naapektuhan talaga ng bagyo God bless po”

“more blessing pa sayo idol, salute”

“Salute. Salamat idol zian. Godbless!”