Isa si Zeinab Harake sa mga namamayagpag ngayong YouTuber sa bansa. Dahil sa kanyang nakaka-good vibes na vlog, kaya naman sinusubaybayan siya ng maraming netizens.
Credit: Zeinab Harake YouTube
At kamakailan lamang, hinangaan si Zeinab ng marami matapos siyang mamigay ng pera sa iba’t ibang tao.
Humakot ng milyun-milyong views ang pinakabagong vlog ni Zeinab na pinamagatang “What’s The Lucky Number” kung saan naghanap siya ng sampung tao na bibigyan niya ng pera.
Credit: Zeinab Harake YouTube
Ang kailangan lamang nilang gawin ay hulaan ang “lucky number” na ibinigay ng mga kaibigang vlogger ni Zeinab. Garantisado namang makakatanggap pa rin ng pera ang maswerteng taong napili ni Zeinab kahit pa hindi niya mahulaan ang lucky number.
Para kasi sa mga makakahula ng tama ay mananalo sila ng P100K habang ang mga hindi mananalo ay makakatanggap ng P10K.
Credit: Zeinab Harake YouTube
“Ito talaga pang-swertehan lang. Fair lang po talaga…Feeling ko naman yung 10,000 malaking tulong na rin yun. Pero yun lang talaga, kung para sa’yo, para sa’yo. So, pwede talaga manalo ng 100,000 yung isa sa kanilang sampu. At kung sampu silang mananalo, that’s 1 million pesos,” ani Zeinab sa vlog.
“Magiging masaya ‘to. And ayun, masarap magbigay ng blessings sa iba. So kung sino ang ma-spottan natin, automatic talagang para sa kanya ‘yun,” dagdag pa niya.
Credit: Zeinab Harake YouTube
Nag-ikot-ikot si Zeinab sa iba’t ibang lugar para maghanap ng mga maswerteng maglalaro ng lucky number game.
Unang nahanap ni Zeinab ay isang matandang lalaki na nag-aayos ng yero ng kanilang bahay. Mangiyak-ngiyak naman ito nang tanggapin niya ang ibinigay na P10K ni Zeinab. Ayon pa kay tatay, hulog ng langit si Zeinab.
Credit: Zeinab Harake YouTube
“Thank you. Hulog siguro kayo (Zeinab) ng langit kasi binili kong yero secondhand lang. Kasi yung bubong ko tingnan mo naman puro galing sa basura. Dahil dito, makakabili na ako (ng bago)” saad ni Tatay.
Halos hindi naman makapaniwala ang isang food delivery rider sa natanggap niyang pera mula kay Zeinab.
Ani ng rider, “Wow. blessing po ito. Sobra ma’am blessing po. Mapapauwi ko na po ang mga mag-ina ko.”
Credit: Zeinab Harake YouTube
Isang may-ari rin ng karenderya ang hindi mapigilang maluha matapos makatanggap ng P10K kay Zeinab.
“Nakakaiyak naman. Maraming salamat po,” ani ng may-ari ng karenderya.
Sabi naman ni Zeinab, “Hindi masaya lang ako. Blessing yan, ‘Nay. Ba’t ka ba umiiyak. Ayaw ko ng umiiyak. Gusto ko ngang magpasaya.”
Ilan pa sa mga nabiyayaan ng pera ni Zeinab ay isang magpamilya, nagtitinda ng ubas at gasoline boy.
Credit: Zeinab Harake YouTube
Samantala, kahit walang nakapag-uwi ng jackpot prize na P100K, naniniwala si Zeinab na kahit papaano ay napasaya niya ang mga taong nabigyan niya ng pera.
Sa huling bahagi ng vlog, kitang-kita naman ang kasiyahan sa mukha ni Zeinab dahil kahit sa kanyang munting paraan ay nakatulong siya sa kanyang kapwa.