Zeinab Harake, natupad na ang pangarap na makabili ng van para sa kanyang pamilya!

Isa na namang panibagong milestone ang nakamit ng YouTube star na si Zeinab Harake na katas ng kanyang pagsisikap sa pagtatrabaho. Ito ay ang bagong bili niyang sasakyan na nagkakahalaga lang naman ng milyun-milyong piso.

Credit: Zeinab Harake YouTube

Sa kanyang pinakabagong vlog, sinama ni Zeinab ang kanyang mahigit 10 million subscribers sa pagkuha niya ng kanyang kauna-unahang van sa isang car dealer store.

Credit: Zeinab Harake YouTube

Ipinaliwanag ni Zeinab na kaya isang van ang kauna-unahang sasakyan na kanyang binili gamit ang kanyang sariling pera ay dahil sa kanyang pamilya.

“So iyong binili kong van ngayon is for family talaga…para kay Bia. Kasi kailangan [kasi] may bata kami…’Pag may trabaho, ‘pag may mga gig, shows or what, importante my service kami,” kwento ni Zeinab.

Credit: Zeinab Harake YouTube

Dagdag niya, “Minsan po talaga seryoso nag-aarkila kami ng van. Kapag mga travel-travel (mahirap). So naisip ko mas magandang personal van lalo na ngayong [email protected] mahirap sumakay-sakay kung saan-saan.”

Habang nasa loob ng store, umagaw naman sa atensyon ni Zeinab ang isang pulang sports car. Kitang-kita ang saya sa mukha ni Zeinab nang subukan niya ang nasabing sports car.

Ngunit sa kabila ng pagiging magara ng sports car, iginiit ni Zeinab na wala sa kanyang plano ang bumili ng “pang-flex” na sasakyan.

Credit: Zeinab Harake YouTube

Aniya, “So mas minabuti ko na lang talaga na hindi na lang akong bumili ng kotse na pang-flex. ‘Yung gusto kong car is para talaga sa family ko.”

Samantala, kitang-kita ang saya sa mukha ni Zeinab nang ibigay na sa kanya ang susi ng kanyang bagong van.

Credit: Zeinab Harake YouTube

Dumagdag sa koleksyon ng sasakyan ni Zeinab ang isang itim na Toyota Alphard na tinatayang nagkakahalaga ng P3.9 milyon.

Mangiyak-ngiyak din na ikwenento ni Zeinab na unang beses niya itong maglabas ng pera para bumili ng kanyang sariling sasakyan.

Credit: Zeinab Harake YouTube

“Kaya ko kayo sinama dito kasi gusto kong i-announce sa inyo na this is my first time buying my own car. Pero ito po ‘yung first time na gagastos ako sa sasakyan kasi mukha lang akong gastodira pero hindi ako yung klase ng tao na kapag may ganitong bago, gusto ko bibilhin ko kasi gusto kong makisabay,” bahagi ni Zeinab.

Credit: Zeinab Harake YouTube

“Sinisipagan ko din hindi lang din para sa akin o para sa pamilya ko pati din sa mga tao sa palagid ko kasi maraming umaasa sa akin…sa mga tinutulungan ko. Kaya minsan hindi ko rin magastusan sarili ko. As long as napapasaya ko sila, okay na ako eh. Ngayon, eto naman ‘yung time para sa akin,” dagdag pa niya.

Credit: Zeinab Harake YouTube

Sa huli, abot-langit ang pasasalamat ni Zeinab sa Panginoon dahil sa sobra-sobrang biyayang kanyang natatanggap.

“Sobrang nagti-thank you ako…Gusto ko talaga magpasalamat…unang-una kay God, sa family ko, sa Zebbies and siyempre sa sarili ko. Sinisipagan ko lang lalo na nang nagkaanak ako,” saad niya